Vegetarian Canteen Food | Freewriting in Taglish.

Mahalaga ang kalusugan sa ating buhay; maging sa trabaho man o sa pribadong buhay natin ay may malaking epekto ang pagiging healthy ng isang tao. Mahihirapan kasi tayong kumilos ng maayos kung mayroon tayong karamdaman. Mahihirapan din tayong pumasok sa eskuwelahan o sa trabaho kung masakit ang ating mga kasukasuan. Kaya naman mabuti kung mabibigyan natin ito ng pansin kahit sa mga maliliit na bagay lang, tulad ng ating diet. Vegetarian nga ako sa ngayon, ngunit hindi ko masasabing totoong healthy ang diet ko lalu na at mahilig ako sa mga pritong pagkain versus green leafy vegetables. O di kaya naman, pipiliin ko na uminom ng malamig na softdrinks versus fruit juice. Hindi rin unang priority sa canteen ang mga prutas at fresh salads kung mayroon namang mga masasarap na veggie meat at iba pang meat substitutes kagaya ng tokwa (tofu).

Ngunit, mayroon naman akong effort na ibinibigay sa pamamagitan ng paglalakad papunta sa palengke / grocery versus sumakay o di kaya ay matulog ng isang oras na mas maaga kumpara sa nakagawiang pagpupuyat. Hindi rin naman mabilis iwasan ang mga stressor sa aking buhay ngunit sa mga pagkakataon na may choice ay pipiliin ko, halimbawa, ang less stressful na trabaho kahit mas maliit ang compensation versus malaking project na may mataas na compensation at napakataas na stress level. Hindi ito worth it, sa akin palagay. Siyempre, ibang usapin ito nung aking kabataan na kaya ko pang mag puyat ng tatlong araw para ma-meet ang deadline sa outputs ng trabaho pero iba na ang panahon. Mas malapit na ako makakuha ng 20% discount para sa mga gamot. LOL


Iba na talaga ang panahon ngayon. Noong naguumpisa pa lang kami na mag aral kung ano ang vegetarian at vegan diet ay mabibilang sa daliri ang mga negosyong nagbebenta ng veggies sa kanilang menu. Sa ngayon ay nakaka order na ng #plant-based meals ang aking asawa sa kanilang canteen sa opisina (kagaya ng kinain niya kahapon at ipinadala pa sa akin para mainggit ako). 😂 Hindi ko na itinanong kung ano ito pero mukhang masarap, di ba?


Maraming bagay ang pwede natin gawin para magkaroon ng maayos na pangangatawan at matalas na isipan. Palagi lang maging mapagmatyag sa ating kinakain at iniinom, ehersisyo, sapat na pahinga at quality ng ating tulog sa gabi. Makakabuti rin ang pagpapa check-up sa doktor lalu na kung may nararamdaman at huwag mag self-medicate at sa halip na makatulong ito ay lalu pang makasama.



image.png


Siya, hanggang dito na lang at babalik na ako sa ibang gawain. Maraming salamat sa oras. Magandang araw!

@juanvegetarian

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now