Umay na ba kayo sa simpleng adobo lang?
subukan nyo itong Chicken adobo de aloha or Chicken adobo with pineapple. sobrang sarap at siguradong magugustuhan ng buong pamilya. para kang kumain ng adobo at barbecue hehehe. lalo na kung ibababad ng matagal ang manok sa pineapple juice, grabeee simot sarap panigurado mga bes!
Mga Sangkap;
1 Klo. Chicken
1 Can (432g) Pineapple Chunks drained and reserve syrup
5 cloves crushed garlic
Soy sauce
Ground black pepper
Cooking Oil
Sa isang bowl, ilagay ang manok, ibuhos ang pineapple syrup, at soy sauce
Ilagay ang bawang, durog na paminta at haluin. i-marinate ang chicken ng isang oras o ng higit pa.
*Huwag itapon ang pinagbabaran
Iprito ang binabad na manok until golden brown.
Sa parehong kawali, alisin lang ang mantika at pagkatapos ilagay ang prinitong manok at pinagbabaran.
Pakuluin at ilagay ang pineapple chunks. lagyan ng isang kutsarang asukal
Pakuluin ulit ng mga ilang minuto
Ihanda habang mainit
Tip: Pag hindi kaya ng budget ang pineapple chunks, pwede 'yong pineapple juice na powder, itimpla nyo lang sa isang basong tubig may syrup na kayo. bili na lang din ng pinya sa palengke basta make sure na matamis 'yong pinya. hehehe. *yan po ginagawa ng stepmom ko sa carenderia namin. :)