Tatahakin ang mapanganib na daan alang-alang sa pangarap.
Kaya kong tiisin ang lahat ng hirap, pasakit at lungkot upang
makamit ang ina asam asam.
Kakayanin kong mawalay at malayo sa mga minamahal,
alang alang sa pagtupad ng kanilang pangarap.
Ang ating pangarap ang siyang magdadala sa ating marangal na kinabukasan
Ito rin ang siyang magbibigay ligaya sa tuwing ito'y ating nakakamtan.
Ngunit bago mo mapag tagumpayan ang pangarap,
Marami tayong maapakang bubog, at mapapaso muna ang ating mga kamay bago ito makamit.
Gayun pa man, masarap sa pakiramdam sapagkat tayo ay nakaraos sa mga pagsubok at suliraning ito.
Andiyan ang ating minamahal na pamilya upang tayo ay palakasin at patayuin sa tuwing tayo ay nadadapa. Sila ay nariyan upang magbigyan kulay ang ating madilim na tinatahak.
Gabayan nawa tayo ng Panginoon sa ating mga Pangarap.
photo credit to: Pixabay