Medyo matagal-tagal na rin noong nakapagbahagi ako ng aking repleksyon dito sa Community, kung kaya masa ako dahil nandito na naman ako upang makapagnahagi ng aking bagong repleksyon mula sa aral at naintindihan na aking nakuha mula sa isang video sa MCGI YouTube Channel, ang ang nagtuturo ay si Bro. Eli Soriano.
Ang aking ibabahaging repleksyon ngayon ay merong pamagat na, "Sa anong gulang naaatang ang pagkakasala". Isang magandang topic na dapat nating malaman.
Nawa ay magustohan at marami tayong matutunan mula sa aking repleksyon ngayon. Subalit, bago ako mag-simula, ako ay buong pusong nagpapa-salamat sa lahat ng aking mga taga-suporta dito sa community. Mula sa admin, sa lahat ng mga curators at pati na rin sa mga nagbabahagi ng kanilang mga komento, maraming salamat sa inyong lahat.
Alam naman natin na tayong lahat ay nagkakasala ayon ito sa salita ng Dios kung ating mababasa sa Roma 3:10. Sabi dito ay, walang matuwid kahit isa, kung kaya ibig sabihoin nito ay, lahat tayo ay nagkakasala sa Dios.
Subalit sa tanong na, sa anong gulang naaaang ang pagkakasala, ating malalaman dito kung kailan at sa anong paraan ngaba nagkakasalaang isang tao.
|
|---|
Ayon pa sa Salita ng Dios na ating mababasa sa itaas, ang gumaga ng kasalanan ay siya ring hindi sumusunod sa kautosan ng Dios kahit na nga na alam mo na hindi maganda ang iyong ginagawa.
Ang sino mang taong nakaka-intindi o meron ng kapasidad na maka intindi ng mabuti at masama, pero ginagawa mo parin ang mali o masama, nagkakasala kana sa Dios.
Ito ang ibig sabihin nito, nagkakasala ang tao kung meron na siyang alam sa kung ano ang nangyari sa kanyang buhay, nalalaman na tama at mali.
|
|---|
Mas maintindihan pa natin ito sa Santiago 4:17. Dito ipinaliwanag na kung tayo alam natin na tama o mabuti ang ating ginagawa o gagawin pero hindi natin ito gagawin, tayo ay nagkakasala sa Dios.
Ating makikita dito na, ipinaliwanag na kung alam na natin ang tama o mali. Sa makatuwid, upang ang isang tao ay maaatang sa pagkakasala, kailangan niya munang malaman na tama o mali ang kanyang ginagawa.
Kung kaya, ang mga bata o mga taong walang kapasidan na malaman na tama o mali ang kanilang ginagawa ay masasabi nating hindi pa naaatang pagkakasala sa kanila.
Kung ating tigtigan ang mga bata, wala pa talaga silang kamuwang muwang sa mga nangyayari sa kanilang mga paligid. Wala pa talaga silang alam o kapasidad na malaman kung ano ang tama o ang mali. Hindi pa mabibilang o maaatang ang pagkakasala sa kanila.
Ngayon, paano ngaba tayo o ang isang tao ay maiiwas sa kasalanan? Alam naman natin na ang hindi pagsunod sa kautusan ng Dios ay kasalanan sa Kanya, ang ang kasalanan ay, ang hindi paggawa natin sa tama kahit alam na natin na dapat natin itong gawin.
Ang paraan upang maka iwas tayo ay, sa pamamagitan lamang ng mga Salita ng Dios. Kailangan nating sundin ang mga utos ng Dios dahil ito ang giya natin upang hindi tayo magkasala sa Dios.
Bagama't hindi tayo makakasiguro na hindi na tayo magkakasala sa Dios, ang sigurado lang ay, tutulongan tayo ng mga utos ng Dios upang hindi na tayo makagawa ng mga kasalanan sa Kanya.
Ayaw ng Dios na tayo ay magpatuloy na gumawa o mamuhay sa kasalanan kung kaya ang pagsunod sa Kanyang mga utos ay siyang giya natin upang mamuhay na sumusunod sa Kanyang kagustohan.
Ngayon, para naman sa aking panghuling masasabi sa repleksyong ito, talagang nagpapasalamat ako sa Dios. Dahil ito ay nagpapa-alala sa akin na mamuhay na sumusunod sa mga utos ng Dios upang makatulong ito na hindi ako magkasala sa Kanya.
At nagpapa-alala ito sa akin na, saka lang ang isang tao ay maaatang sa pagkakasala kung meron na itong alam sa tama o mali. Kung kaya kung tayo ay meron ng kapasidad na malaman ang tama at mali, saka lang tayo nagkakasala sa Dios.
Upang makaiwas tayong makagawa ng masama o kasalanan, kailangan nating sumunod sa mga utos ng Dios dahil ito ang tumutulong sa ating pananampalataya at makaiwas na makagawa ng kasalanan sa Dios.
Hanggang dito nalang din po ako sa aking reflection tungkol sa bagong topic na ito na merong title na, *"Sa anong gulang naaatang ang pagkakasala", at labis ang aking pasasalamat sa Dios sa lahat ng aking natutunan sa topic na ito, at salamat sa Dios sa lahat ng mga sumusuporta sa akin lalong lalo na ang MCGI Cares Hive Community. Hanggang sa susunod na naman at sa sumusuporta sa aking bagong repleksyon na ito at sa bagong topic na naman mga kapatid.
Your Friend
@godlovermel25
Thanks to @kennyroy for
the animated GIF.