try ko lang ng spoken word. hehe
"Nagangarap"
Alam ko namang ikaw'y napakaganda.
Alam ko namang sakin napapangitan ka.
Naiinis ka sa tuwing akoy'y iyong nakikita.
Naiiretang masulyapan ang aking mukha.
Hayaan mo naman ako sayo'y humanga.
Hayaan muna ako, hindi naman ako magmamakaawa.
Hindi rin ako mag lakas loob na pilitan ka.
Hindi ko lang talaga mapigil ang mahalin ka.
Wala akong paki kung pumapatak man ang luha.
Pag nakikita kang ikaw ay masaya na.
Wala akong dapat itago sa madla.
Kahit ipag sigawan ko sa buong mundo na pinangarap kita.
Gigising man ako sa mundo'y laging madilim.
Maglalakas loob at mag dasal ng mataimtim.
Darating ang oras na hindi ka titingin sa magandang tanawin.
At kahit minsan sinasadya man o hindi ibaling ang yong tingin sakin.
Mangako akong mahalin ka ng buong buo.
Hindi ako magdududa kung pag-ibig mo'y totoo.
Ang importante ay mayakap ka sa mga bisig ko.
Ikukulong kita dito kung may mananakit sayo.
Aalagaan ko ang iyong pagkatao.
Hindi ka iiyak sa piling ko.
Hihigpitan ko ang kapit kung gusto mo.
Ngunit luluwagan ko rin to kung ikaw ay susuko.
Ayokong malungkot ka at ako lang maligaya.
Ang gusto ko magsasama tayong dalawa na nakatawa.
Bubuo ng pamilya na tayo lang ang gagawa.
At darating ang oras na ang anak mo ay tatawagin rin akong "ama".
Pasensya na kung nangarap nanaman ako.
Habang pinagmasdan ka dito sa malayo.
Nasanay naman akong hanggang ilusyon na lang.
Kasi malinaw na ang gusto mo ay sya lamang.
Nangangarap lang talaga akong mapa-ibig ka.
Kahit alam ko na na wala talagang pag-asa.
Si pangit at si maganda ay magsama.
Sana'y nalibang kayo sa gawa ko, sumobok lang ako sa ganito.