EWAN

Words
84
Reading
1 min
Listen
Play
8y

image

Susuko o lalaban?
Ewan.

hindi ko na maintindihan
kung sino dapat ang pakinggan
ang isip ba na naguguluhan
o ang pusong pilit na lumalaban?

Ewan

Hindi ko na alam ang aking panghahawakan
Ang madalas ba na hindi pagkakaintindihan
O ang pangakong walang hanggan na pagmamahalan?

Ewan

Hindi ko na alam kung ano ang tatahaking daan
Ang daan ba kung saan tayo’y walang hanggan
O doon kung saan tayo’y nasa dulo na ng hangganan?

Ewan.

Hindi ko na alam.

Ako’y naguguluhan.

Ako ay iyong tulungan.

EWAN | Ecency