I just wrote a poem because of boredom (HAHAHA). So i'm gonna share this to you guys. Hope you all like it. Thanks for reading! Critics are highly appreciated.
Musika
By: Kfineee
Alam kong hindi kagandahan ang iyong tinig
Pero ang iyong mga awit ay musika sa aking pandinig
Ako鈥檡 napapapikit at napapangiti
Ninamnam ang bawat letra at mensahe na 鈥榶ong binibigkas
Ganito ba?
Yung sinasabi nilang pag-ibig?
O kay sarap sa pakiramdam!
Ayoko ng matapos pa
Ayokong imulat ang aking mga mata
Pero isang umaga
Nagising ako sa katotohanan
Kay hirap tanggapin
Kay hirap paniwalaan
Parang isang bulaklak na lang ba?
Pagkatapos mamulaklak at masilayan ang ganda,
Ay tuluyan ng malalanta at makakalimutan ang halaga?
O isang puno?
Na kayang ibigay sayo ang lahat,
Ngunit hindi mo ito makita at mas pinili mong saktan
Ang dali mong itapon ang mga plano nating dalawa
Ang dali mong sumuko at ipagpalit ako sa iba!
Hindi ako laruan mahal ko
Wag mo akong paglaruan!
Alam kong minahal mo ako
Pero hindi kagaya ng pagmamahal ko sayo
Alam kong Masaya ka na
Alam kong dapat kalimutan na kita
Pero sana maintindihan mo na hindi ko pa kaya
Kaya heto ako sa dati nating tagpuan
Nakaupo at ginugunita saan ako nagkulang
Saksi ang mga damo, ibon at maging itong puno sa ating pagmamahalan
Pinikit ko ang aking mata
Tinanggal ko ang headset sa aking mga tenga
Ayoko na ng iyong musika
Sana makalimutan na kita.