Sa Lugar Na Malayo
Orihinal na tula ni @jmaeunabs1
Nakapagdesisyon na ako
Ako ay tatahak sa lugar malayo
Malayo sa kinagisnan, malayo sa nakasanayan
Lahat ng ito para sa pangarap na nais makamtan
Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin
Kung tama ba ang daan na tatahakin
Pero para sa pamilya at pansariling mga mithiin
Pagiging malayo sa mga mahal ko ay aking tatahakin
Nawa鈥檡 gabayan ako ng Panginoon
Na tama ang aking desisyon
Ilayo sana sa lahat ng may masasamang adhikain
Dahil ang hangad ko lang naman ay magandang buhay para sa amin