Manalig Ka
Orihinal na tula ni @jmaeunabs1
Huwag mong pangunahan ang Diyos
Kapag lumitaw ang isa pang pagsubok
Siya ang may control gaya ng dati
Ang iyong mga taos-pusong panalangin, nadidinig Niya
Ang ating Panginoon, alam Niya ang ating bukas
Magtiwala at manalig ka lang sa Kaniya
Huwag sarilihin ang ating mga saloobin
Sapagka’t Siya’y laging nandiyan na handang making
Alam mo, hindi ka nag-iisa
Alam at nararamdaman di Niya ang lahat ng iyong kinikimkim
Napakarami ng iyong mga biyaya
Kahit na tingin mo ay hindi ka karapat-dapat na makatanggap nito
Kaya manalig ka lang sa Kaniya
Na nakakapag-paalis ng lahat ng iyong takot
Sa iyong pananampalataya, magpakatatag ka
Kahit anuman ang mangyari
Maniwala ka lang sa Kaniya
Dahil Siya, at Siya lang ang nakakaalam kung anong makakapabuti sa iyo