Hello Steemians, as a proud Filipino, I would like to share this poem of mine in tagalog language :)
Please read and feel free to drop your comments. Hope you like it fellas.
DAKILANG TANGA
Alam mo ba?
Bansag sa akin ay dakilang tanga
Bakit nga ba?
Eh sa ganito na ako, dati pa.
Di ko inakalang ganito ang kahahantungan
Ako'y tao lang din naman
Nagmahal at nasaktan
Pero bakit laging naiiwan?
Nagsimula tayo sa simpleng "hi" at "hello"
Pero di nagtagal nagka close si ikaw at ako
Sa tamis ng ngiti mo
Akoy nahulog ng todo-todo
Umabot sa puntong tayo'y nagka aminan
Ikaw at ako pala'y tugma ang nararamdaman
Ang saya koy di mapantayan
Sapagkat pangarap ko ito, noon pa man.
Isa, dalawa, tatlo, apat
Apat na buwan ang lumipas at
Akoy nananatiling tapat
Nanindigang ikaw lang sa akin ay sapat.
Umabot pa sa ikalimang buwan
Tayo'y nagkakamalabuan
Ika'y aking pinagdudahan
Kung ikaw ba'y may ibang pinagkakaabalahan.
Ikaw sa akin ay nagalit
Ako naman, sayo parang butiki kung makadikit
Humihingi ng pasensya ng pilit
Ginawa ng paulit-ulit.
Di mo ako natiis
Pinatawad mo ko ng mabilis
Napawi ang aking paghihinagpis
Kaya naman napangiti ako ng matamis.
Lumipas pa ang mga araw at buwan
Akoy mayroong natuklasan
Ang duda kong dati pa man
Totoo palang may iba kang pinagkakamabutihan.
Hinarap kita ng buong tapang
Nagtanong ka, malamang
Ako naman, sa salita nagkulang
Pinaghandaan ko pa naman to, kung alam mo lang.
Akoy nagtanong sa'yo
"Ikaw ba ay may ibang gusto?"
Nagalit ka na naman nang husto
Puso ko ngayon ay nalilito.
Heto na naman
Ako ngayoy humihingi ng kapatawaran
Sa mga salitang aking nabitawan
Wag mo na sana akong iwasan.
Ako ang humingi ng despensa
Kahit saksi mismo ang dalawa kong mata
Na may kayakap kang iba
Tanga na kung tanga.
Ginusto ko pa ring ikay makasama
Kahit ikaw na mismo ang nagmukhang tama
At ako ang naging kawawa
Sa pagsasamahan nating di inakala.
Ang hirap magpakatanga
Lalo na sa taong minahal natin ng sobra
Na walang ibang ginawa
Kundi ang pasayahin sya.
Ako na, ako na
Ang nagmamay-ari ng korona
Koronang dapat sa akin mapunta
Ang pagiging Dakilang Tanga.
Sa PAG-IBIG
walang bulag, walang pipi,
walang bingi pero
TANGA marami.
credits
I am a part of @steemitfamilyph. Join us! Follow - Upvote - Resteem - Comment
Be a member on our Facebook page -- Click this Link
Special mention @daisydelta for her help. Thanks!