Note:
2nd poem written in Filipino Language. This was supposedly my entry for the writing competition but I am shy to post it on my timeline
Mainit, mausok, siksikan,
Samu't saring amoy ang iyong malalanghap.
Naiinip na ako at nag-iinit na ang pwet ko sa aking kinauupuan.
Isa, dalawa, dalawa't kalahating oras,
Gan'to na ako katagal na nag-aantay umusad ang jeep na aking sinasakyan.
"Nakakagigil na traffic!" Bigla kong sigaw,
Gusto ko nalang bumaba at kumaripas,
Takbuhin pauwi sa aming tahanan.
Pero lahat ng iyon ay nagbago
Nang napatingin ako sa aking kanan,
Natulala at natigilan,
Ng makita ko ang pagmumukha mo.
Sa mala impyernong lugar,
Sa gitna ng traffic,
Sa loob ng jeep,
Nakakita ako ng ligaw na anghel,
At napatanong kung ako ba'y nasa langit na.
Ngumiti, napagtanto, at biglang namula ang mga pisngi,
Sabay sabi ng, "Kung ganto lang din naman ang dadatnan mo,"
Tumigil at tiningnan muli ang pagmumukha mo, "hihilingin ko nalang na sana ay laging traffic pag-uwi ko."