Ayoko, ayoko, ayoko na sanang balikan
Bangungot ng malupit kong nakaraan
Dahil hindi na kaya pang isipin
Mga pasakit at problemang nakaya ko ng harapin.
Tama, oo dati sumaya ako sa paglalaro
Sa habulan, taguan o kaya sa piko
Pero higit pa roon ang alaala ng aking pagkabata
Tukso, pagkukumpara at takot na ayaw ko ng maranasan pa
Mahirap na para saakin ang alalahanin pa at bumalik
Ngayon pa't naibaon ko na yung sakit sa aking dibdib
Na kung huhukayin pa at pipilitin,
Babalik lang ang dating ako na ayaw ko ng balikan at isipin.
Ayoko na, ayoko na, ayoko na
Lahat nang iyo'y ayaw ko nang ungkatin pa.
Dahil hanggang ngayon, ako'y hinahabol pa ng mga alaala
Mga pangyayaring naganap, na sanay hindi na
Gusto ko na lamang kalimutan
Dahil dulot saaki'y puro lamang kapaitan
Na maski mga kaibiga'y walang alam
Sa lahat ng mga pinagdaanan at naranasan
Ayaw ko na, ayaw ko na...
Gusto ko nang makalaya
Sa bangungot na dala ng pagkabata.
maraming salamat sa pag basa. steemitph.