Anghel sa lupa
Animo'y mga anghel na walang pakpak
Kaya't dito sa kalupaan ay bumagsak
Sa ating minamahal na bayang sinilangan
Sila'y pumrotekta at nanungkulan
Habang tayo'y payapang natutulog sa gabi
Anghel de guwardya ang kanilang silbi
Bitbit man nila'y mga oras
Walang ibang nais kundi kaligtasang wagas
Isang gabi, sumapit, animo'y isang bangungot
Sila'y napalaban sa kapayapaang nais mailusot
Para bang isang malupit na panaginip
sa isang propesyon buhay nila'y nahagip
Bawat puso'y natatangis at nagdurusa
Lahat ay kumakapa ng salitang "hustisya"
Madalas kay hirap kapain ang batas
Hanggang ngayon pa ba'y hustisya'y posas?
https://pixabay.com/en/fee-angel-elf-wing-mystical-3137290/
Tunay ngang sila'y mga anghel
Sa kasamaay hindi pasisiil
Pagmamahal sa ating bayan kanilang minulatan
Hanggang buhay nila'y inalay sa bayang sinilangan
https://pixabay.com/en/angel-guardian-angel-aura-female-2591973/
https://pixabay.com/en/sailing-vessel-go-under-drowning-493538/