Paglalakbay Sa Dako Pa Roon: Ang Bangus Festival Sa Lungsod Ng Dagupan

Dahil sa paanyaya ng aking mga kaibigan na sina @shikika,@sunnylife, @jennybeans, @yennarido, @lunamystica at @akoaypilipina na sumama sa kanilang paglalakbay sa dako pa roon ako ay sumama. Ngunit bago kami magtungo sa kanilang parororonan doon sa dako pa roon akin muna silang inanyayahan sa aming bayan.


source

Ako ay tubong Pangasinan at ipinanganak ako sa lungsod ng Dagupan. Tamang-tama ang pagyakag ko sa kanila dahil kasalukuyang ipinagdiriwang ngayong ng aming lungsod ang Bangus Festival.

Ang Bangus festival ay kauna-unahang ipinagdiwang noong taong 2002 sa pangunguna ng alkalde noon na si Benjamin Lim sa layuning pasiglahin at makilala pa lalo ang bangus na syang pangunahing prodkto ng lungsod at ng mga karatig-bayan.

Ngayong taon ang Bangus Festival ay nagsimula noong ika-3 ng Abril at magtatapos sa ika-5 ng Mayo. Tuwing Bangus Festival meron kaming tinatawag na Gilon-Gilon Ed Baley na syang katumbas ng street dancing. Masaya ang bawat kalahok. Magagaling sila at masisigla ang galaw. Napakakulay din ng kanilang mga kasuotan.


source


source

At ang pinakamasaya sa lahat ay ang Kalutan Ed Dalan. Ito ung "longest grill ng bangus" na minsan ding napabilang sa Guinness World of Record. Napakasaya nito dahil libu-libong bangus ang iihawin at pagkatapos ay pagsasaluhan ng lahat. Kung sa Villasis na bayan ni @akoaypilipina ay may naiuwi ang aking mga kaibigan na inihaw na talong at Pinakbet, dito sa aming lungsod ay siguradong may bibiibitin din silang napakasarap at napakalasang inihaw na bangus!

source


source

Pagkatapos ay tumuloy kami sa dagat ng Tondaligan upang maligo dahil nangamoy usok na kaming lahat. Ilang minuto lang ang layo nito mula sa sentro ng lungsod. Napakaganda rin ng dagat at tanawin doon. Marami pang karatig-dagat ang Tondaligan kabilang dito ang Gulpo ng Lingayen at dagat ng San Fabian.


source

Pagkatapos naming maligo sa dagat ay sumama na ako sa kanilang paglalakbay sa dako pa roon. Baka gusto mo ring sumama sa amin kaibigan. Tayo na at sama-sama tayong maglakbay pa sa dako pa roon.


Nagpapasalamat ako sa kaibigan kung sina @shikika sampu ng kanyang mga kaibigan na sina @sunnylife, @jennybeans, @yennarido, @lunamystica at @akoaypilipina sa pag-aanyaya sa akin sa kanilang paglalakbay sa dako pa roon.

Our mentor @surpassinggoogle has been very supportive of our group #Steemitdiversify and other groups too. Please support him as a witness by voting him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.
If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.
Others that we should support are: @henry-gant, @kenny-crane, @beanz, @teamsteem, @good-karma, @busy.org, @esteemapp, @hr1, @arcange @bayanihan, @acidyo, @anomadsoul, @steemitph, @jerrybanfield, @darthnava, @paradise-found, @geetharao, @stephenkendal and @richq11; they also have supported us. Thank you very much.

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Logo
Center