zhayie03
(49)

Isang bagay na di binibigyang pansin
Isang bagay na kadalasang binabalewala nalang natin
Isang bagay na kadalasang pinagwawalang bahala
Ganyan minsan ang trato natin sa kanya
Di iniisip ang bawat segundong lumilipas
Walang pakialam sa mga minutong lumalampas
Sinasayang ang mga panahong nandiyan sya
Kahit alam nating di na ito muling mababalikan pa
Ang iba'y humihiling na ito'y bumagal
Ang iba nama'y atat at nais itong lumipas agad
Hindi mawari ang gusto ng karamihan
Puro mga pansariling mga kagustohan na lang
Isa ito sa madalas sinisisi ng karamihan
Dahil hindi na nila ito kaya pang mabalikan
Pero hindi ba't ikaw ang may kasalanan?
Binalewala mo lang sya sa mga panahong nagdaan
Habang maaga pa bigyan mo na sya ng halaga
Dahil di sya maghihintay para sayo hanggang umaga
Baka magulat ka na lang at iyong makita
Huli na pala ang lahat at wala na sya

#1 TULA - ORAS | Ecency