Buhay sa Nayon

Words
423
Reading
2 min
Listen
Play
8y

Ano nga ba ang unang pumapasok sa iyong isipan sa tuwing iyong naririnig ang salitang "nayon"? Isang nayon na malayo sa maingay at magulong lungsod. Mapayapang kapaligiran kung saan ay mamamasdan mo ang ganda ng inang kalikasan. Matataas na mga bundok, berdeng mga pananim at makukulay na bulaklak, mayayabong na mga bunga na natural na nahinog sa puno nito, at mga sariwang mga isda at karne na tanging kinakain ay natural na pananim sa paligid. Sa nayon kung saan ang pera ay hindi ang pangunahing pangangailangan ng mga tao sapagkat ano mang kinakailangan ay maaring matagpuan dito. Sa nayon kung saan mo nalang ngayon makikita ang mga nagliliwag na alitaptap. Malinis na batis at sariwang simoy ng hangin na malayo sa polusyon ng mga basura at usok ng mga sasakyan. Malawak na lupain na pwedeng pagtamnan at hindi paglilibingan. Nayon na para sa akin ay matatawag kong paraiso. Tanging ningas ng lampara lamang at maliwanag na sinag ng buwan ang nagsisilbing liwanag sa madilim na gabi. Walang telebisyon at telepono na makaka-agaw ng atensyon upang makapagkwentuhan ng masaya at positibo ang buong pamilya. Kaya naman sa aking pagmumuni-muni ay naisulat ko ang tulang ito at sana ay magustuhan mo.

Pinagmulan

Buhay sa Nayon

Ang buhay sa nayon simple lang at masaya,
Malayo sa kabihasnan walang gaanong problema.
Sariwang hangin sa paligid ay malalanghap,
Masusustansyang pagkain at masasarap.

Sa bukang-liwayway ika’y mapapabaluktot,
Habang unan ay kayakap sa ilalim ng kumot,
Kapeng pangpa-init pangtanggal ng lamig,
Habang napaparam ang sa paligid na kuliglig.

Mahamog na kapaligiran patungo sa taniman,
Malulusog na bunga’y aanihin at muling tatamnan.
Sa batis ay mangangalap ng sariwang isda,
Upang sa pananghalian ay maihanda.

Malamig na tubig mula sa bangang mahiwaga,
Pang pawi ng uhaw ng yaong makata,
Sa hapag ay salu-salo ang masayang pamilya,
Masarap na kwentuhan puno ng ligaya.

Sa matamis na tinig ng mga ibo’y ikay makakalimot,
Habang idinuduyan ng hangin ang katawang napagod,
Sa paraisong pumapawi ng ano mang lungkot,
Walang puwang sa puso ang ano mang kirot.

Sa dapit hapo’y maririnig mga batang nagkakasiyahan,
habulan at taguan sa malinawag na buwan,
sa gabing payapang pawang katahimikan,
Ay mamasdan alitaptap na nagkikinangan.



Also, Please support our Curation Team sawasdeethailand@sawasdeethailand that aims to reward good quality Thai content creator.

Thank you to hr1@hr1 for supporting our writings too.

Kindly continue supporting surpassinggoogle@surpassinggoogle who has been very helpful. Vote "Steemgigs" as witness by going to https://steemit.com/~witnesses

Buhay sa Nayon | Ecency