I Said "Yes" To Skip Engagement

Words
433
Reading
2 min
2y
Listen to this post
~3 min

Magandang gabi po sanyong lahat sa totoo lang nakaraang buwan ko pa talaga gusto magsulat sa community na ito. Pero hindi ako confident na magiging maayos ang pag sulat ko ng Tagalog. Parehas lang din sa araw araw na pagsubok ko na sumulat ng blog. Pero wala naman mawawala kung susubukan ko. Isa akong pinay at pinag mamalaki ko ito. Nagtanung pa nga ako sa aming discord channel kung pwede ako mag English sa Tagalog Trail. 🤦🏻‍♀️ At hindi na ako nag hintay ng kasagutan pa dahil kailangan ko gawin ko ang best ko.

Ang MOD ng kuminidad na ito at aking kabayan. Gusto ko suportahan ang kanyang community dahil isa syang mahusay na manunulat. Ang topic para sa araw na ito ay bagay na bagay sa akin at sa aking asawa.

Kung ikakasal ka. Okay lang ba para sayo na mag skip ng engagement at kasal na agad?

Para sakin oo naman bold na italic pa 😅 panu naman po dalawampu't isang taon na kami magka relasyon eh hindi pa kami kasal. Ewan ko ba sa asawa ko okay na raw ang kasal kami sa banig charr. Pero ang totoo my matandang paniniwala ang kanilang pamilya; na maaga raw mabalo widowed ang aking mister pag nag pakasal kami. Meron kasi syang nunal sa may daanan ng luha. At ang tagal pa bago nya sinabi sakin ito, ang akala nya hindi ako maniniwala. Ang reaksyon ko napatahimik lang ako, lasing pa sya nun ahh! Sabi nya mommy! Hindi lang sampu ang nag sabi sakin na mawawala ka pag nagpakasal tayo at ayuko mangyari yun! Ang hindi nya alam kinilig ako kasi naman maganda din ang dahilan nya, nakita nya kasi kung gaano ako nainggit sa tuwing my kinakasal na mga kamag-anak nya.

7a36ebc5-3b5d-4cb1-a45f-5e0b02d1962e.jpg

So ayun nga kahit nakita ko na si forever ko ehh mag aantay pa ako ng tamang panahon para maikasal kami. Pero ako hindi ako natakot sa paniniwala na yun, although may coincidence na may na widowed nga with the same reason. Kasi my husband takes care of me at nadulas na sya... Sabi nya ang una nyang goal bahay next, ako papo ang nanghula motor? Kasal daw so kilig nanaman po ang inyong lingkod.. Sabi nga ng mga anak ko; nakangiti nanaman tayo sa istorya ng iba.

9b9af0dd-46ec-439b-974e-512f1e198b59.jpg

Ang ganda kasi ng nga prenup photoshoot, video ng mga napapa nood ko. Nag ka chance sila makwento sa tao kung gaano sila kasaya. Sana kami din, wala naman requirements na edad para maikasal ehh ang importante sa dulo ng altar yung pinakamamahal mong tao yung kasmaa mo.

Maraming Salamat po
usagigallardo015@usagigallardo015

I Said "Yes" To Skip Engagement | Ecency