Salamat sa iyong pagsinta.
Sa iyong mga pakulo, di mo ba alam ako'y nahulog na?
Habang ako'y iyong minamasdan; kaba sa dibdib aking nararamdaman.
Dahil baka ang iyong tingin, ako ay isa lamang kaibigan.
Lahat ng agam-agam ay biglang naglaho;
ng iyong sambitin ninanais yaring puso.
Isang araw ng Pebrero, yan ang tanda ko
bulaklak na pulang rosas ang iyong regalo
Ang mga rosas na ito ay aking itinago;
lahat ay nagsilanta na, ngunit tinabi sa aking kwaderno.
Sa bawat pagdilat ang aking mga mata at ikaw ay aking makikita;
Alam ko sa sarili ko na ako ay iyong mahal ng sobra-sobra
Ang inspirasyon sa likhang ito ay nagmula sa tula ni @fherdz na PAGMAMAHAL NA WALANG KATUMBAS bilang isang entry sa patimpalak ni
@tagalogtrail na Biglaang Kolaborasyon ito ay ang naisip kong tugon ng kaniyang sinisinta sa tulang ginamit na piyesa. Hindi ako masyado nag focus ngayon sa bilang ng pantig at ako ay gumamit lamang ng mga simpleng salita para mas maging malinaw ang mensahe ng kanyang sinisinta.
Iniaalay ko din ang tulang ito sa aking my loves na si @ellebravo. Kaya't maraming salamat sa patimpalak na ito dahil hindi rin ako masyado nagsusulat ng mga ganitong tema. Chance na para makapag singit ng tula din. Lagi nalang karakter sa malikot na isip ni
@tpkidkai ang nasa kwento.