TagalogTrail Edisyon #104

Words
553
Reading
3 min
Listen
Play
8y

Kamusta mga Tropa!

Narito po ang mga akdang aming napili at nais ibahagi sa inyo...
Hatid sa inyo nina: jazzhero@jazzhero,jemzem@jemzem

Filipino Poetry #08 : “Lihim na Pag-ibig”
by oscargabat@oscargabat



Ito na pala ang iyong biglaang tula. Kahit mabilisan, maganda pa rin ang akda at makulay pa rin ang kuwentong naipinta. Mula umpisa dama na talaga ang panghihinayang at pagdating sa dulo - boom, ganu'n na pala ang sitwasyon. Mahusay, manong. - jazzhero@jazzhero


Patimpalak ni @romeskie: Pangyayari sa iyong nakaraan na nais balikan para itama ang pagkakamali o muling isabuhay ang magandang karanasan
by mrnightmare89@mrnightmare89


Kung mayroon mang pangyayari sa nakaraan na nais kong balikan, iyon ay ang maging mabuting anak kay Papa. Medyo naka-relate ako sa kwento mong ito dahil katulad mo, hindi ko rin naabutan si Papa sa huli niyang hininga. Kaya ramdam ko 'yung lungkot at panghihinayang.

Bagama't naka-relate ako sa kwento mo, hayaan mo akong husgahan ang akdang ito base sa mekaniks ng patimpalak ni Mam romsekie@romsekie.

Unang-una, alam kong napuna na ni Mam Rome ang paglalagay ng tunay na link ng pinagkunan ng larawan upang bigyan ng credit ang nagmamay-ari nito. Ngunit napansin ko pa rin na hindi ang mismong link ng pinagkunan mo ng larawan ang nilagay mo, kundi google.com lang. Alam kong hirap ka sa bahaging 'yan dahil nga cp ang gamit mo. Pero kung makakasanayan mo, hindi na 'yan magiging mahirap kalaunan. :)

Pangalawa, pansin ko rin ang haba ng mga talata. Mas mainam kung paiklin ang bawat talata lalo na kung kailangan nang putulin ang mga pangungusap na puwedeng namang ilagay sa kasunod na talata. Magiging dragging o nakakaumay kasi kapag nakikita pa lang ng mga mambabasa ang mahabang talata na pwede naman putulin. Hindi naman sa lahat ng bagay ay kailangan putulin o paikliin ang talata. Masasabi kong excemption kung magkaugnay naman ang mga pangungusap na nasa iisang talata.

Pangatlo, may mga napapansin lang akong kaunting pagkakamali sa pagbabaybay ng iilang mga salita gaya ng kalungkotan (kalungkutan), tumontong (tumungtong), paglake (paglaki), atbp. Alam kong struggle is real lalo na't hindi tayo native Tagalog speaker kaya medyo nauunawaan ko. Pero maisasaayos naman 'yan sa pagiging mambabasa at pag-oobserba ng mga binabasa dahil 'yan din ang magtuturo sa atin bilang manunulat.

Pang-apat, hinahanap ko ang paggamit mo ng mga salitang panglarawan, at nakikita ko naman ang effort mo sa paggamit n'on. Pero aaminin ko ring kaunting paglalarawan lang din ang ginamit mo sa sanaysay na ito. Ngunit sobrang na-appreciate ko pa rin iyon dahil sumubok ka pa rin kahit hindi iyon ang nakasanayan mo sa pagsusulat.

Iyon ang nakikita kong positibo sa 'yo bilang manunulat. Hindi ka takot na sumubok at tumanggap ng mga hamon sa pagsusulat.
At ramdam ko rin namang gusto mong matuto kaya saludo ako sa mga manunulat na kagaya mo.

Dahil d'yan, alam kong malayo pa ang mararating mo lalo na kung bukas ang isipan mo sa mga payo o kritismo ng iba.

Sa kabuuan, may emosyon ang sinulat mong ito. At sana'y sumulat ka pa nang sumulat kasi nakikita kong may potensyal ka sa pagsusulat. :) - jemzem@jemzem


Kung naghahanap ka ng matatambayan sa discord na kung saan naguusap-usap ukol sa paglikha ng Tagalog na akda sa steemit.com maari mo kaming bisitahin sa Tropa ni Toto.

Maliban sa tula at kwento nakasuporta at naka-antabay din ang tagalogtrail@tagalogtrail sa mga akdang nasa kategoryang sining, kanta atbp.