Tagalog Serye Ika-Pitong Hamon - Balik Respeto

Words
434
Reading
2 min
8y
Listen to this post
~3 min

TagalogSerye.jpg

Pasensorry mga tropa kung sobrang late kami ngayong mag-update sa #TagalogSerye medyo na busy talaga kami nila junjun-ph@junjun-ph at lingling-ph@lingling-ph last week. #BalikEskwela program kasi kami kailangan pabibo ng bahagya sa klase.

Umpisahan muna namin ang munting report tungkol sa nangyaring #Tagalog-serye nung nakaraan. Ang nakaraang tagalog-serye ay naging isang malaking katuwaan para sa lahat ng sumali dahil narin sa nagkaroon ng pagsasanib ang dalawang kwento. Ngunit dahil doon, parehas silang na DQ sa patimpalak kaya walang nanalo nung round na iyon.

Napiling OLODI ng Tambayan ay si Pinunong tpkidkai@tpkidkai para sa kaniyang biography pwede nyong tignan ang slam note sa pag click ng banner sa ibaba.
tepe.png

Ang natanggap na reward ni tagalogtrail@tagalogtrail sa mga sumali ay nasa total na:

6.898 SBD
0.262STEEM

alt

Muli para di ma DQ ang mga kasali sa tagalog-serye itong muli ang prompts at ang munting alituntunin:

Mga Karakter
  • Evil Albino - Ang kontrabida na nagtatago sa kanyang kulay puti na kutis, bagama't maputi kabaligtaran naman nito ang kaniyang puso, Ang kanyang ugali ay sadyang kay sama. Halimbawa daw ay si Lucius Malfoy from HP sabi ni Junjun

  • Boyish Girl - Ang bida ng kwento "one of the boys" physically fit at active din. Halimbawa ay si Sailor Jupiter ng Sailor moon

  • Maari kayong magdagdag ng tatlo pang karakter ang limit ay limang karakter lamang para hindi masyado nakakalito sa mambabasa ang mga pangalan. ( Ang lumagpas sa 5 characters may poknat kay Junjun sa ruler tsaka minus points sa buong team)

Mga Elemento sa Kwento (Maaring Gamitin bilang Literal o Metepora)
  • Lock of Hair

  • Tomb

  • Split Personality

Tema ng ika- Ptiong Serye
  • Unang Pangkat : Thriller

  • Ikalawang Pangkat : Adventure

Bakit magkaiba ngayon ang Tema ng Dalawang Pangkat?
  • Simple lang po para di sila mag clash ulit hahaha nakaka dala ang Sci-Fi na tema muntikan na kaming ma censored ng MTRCB! At tsaka #BalikRespeto ang tema ngayon, pwede ding #BalikDangal para sa iba.

Ang mga magkaka kampi sa laban ngayong linggo

Unang Pangkat
rodylina@rodylina, beyonddisability@beyonddisability, julie26@julie26, cheche016@cheche016, kendallron@kendallron, valerie15@valerie15

Ikalawang Pangkat
romeskie@romeskie, twotripleow@twotripleow, jemzem@jemzem, johnpd@johnpd, tpkidkai@tpkidkai, artgirl@artgirl

Kung nais nyo pong tumulong sa aming munting proyekto maari nyo pong bisitahin ang aming tambayan sa discord

Kami po ni lingling-ph@lingling-ph at junjun-ph@junjun-ph ay lubos na nagpapasalamat sa inyong pagtangkilik sa paglikha sa wikang Filipino at kung may tanong po kayo nandun din po ang mga tambay minsan sa tambayan na handa kayong tulungan at kulitin. Wala lang sustansya madalas ang usapan nila pag hindi tungkol sa mga akda nila.

Muli ako po si toto-ph@toto-ph ng tagalogtrail@tagalogtrail at isang mapag palang araw po sa lahat.