Ang pera ay parang buhay ng tao.
Kay hirap mabuhay kung wala ito.
Noon, okay lang mabuhay kung kapos ka nito.
Pero ngayon, di na basta basta mabubuhay kung wala ka nito.
Ang pag-ikot ng mundo ay nagiging katumbas ng halaga nito.
Noon, ang isang peso mo madami ka ng mabibili nito.
Sa ngayon, ang halaga nito ay kasingliit ng isang sentimo.
Paano na lang mabubuhay ang mga walang kakayahan sa mundo?
Ganito na ang kahirap harapin ang bukas ng isang tao.
Di mo masisisi ang isang tao kung bawat kilos niya ay may halaga.
Di mo siya masisisi kung ipagdamot niya kung anong meron siya.
Lahat ng anong mayroon ang tao ngayon ay pinaghihirapan ng kusa.
Oo, mahirap mang husgahan pero mas mahirap kung aasa ka na lang sa isa.
Bakit di subukang kumilos nang alam pano maghirap sa kabila ng panghuhusga.
Di masamang tumulong kung alam mong may sobra ka.
Ang masama ay tumulong ka na nga, nanghuhusga ka pa.
Gawin ng taos-puso, malay mo ikaw ipagpala sa iyong ginawa.
Pero kung wala kang maitutulong, tumahimik ka na lang kaysa manghusga.
Di mo kasalanan kung ipinanganak kang mahirap.
Ngunit, kasalaman mo kung mamamatay kang mahirap.
IIang taon kang namuhay sa mundo nang di-naghirap.
Ngayon, hahanap ka nang masisisi dahil di ka nagsikap.
Nako... nako... alam mo umiikot ang mundo.
Di lahat ng nasa itaas ay mananatili sa taas mo.
At di lahat ng nasa ibaba ay mananatili sa baba mo.
Possibleng magbago ang buhay ng isang tao kasabay ng ikot ng mundo.
Ramdam ang hirap at pagsisikap katumbas nito.
Kaginhawaa'y possibleng mapapasaiyo.