Worldchallenge: Huling Sayaw

Words
130
Reading
1 min
Listen
Play
8y

images.jpeg

Image Source

Naaalala ko pa yung panahon na sumapit
Sa sayawan ika'y labis na nainggit
Ako'y nalungkot at sayo'y lumapit
"Inay sayaw tayo" aking sambit

Kahit hindi marunong ay pinipilit
Malamig niyang hawak sa akin nagpapainit
Waring hakbang sa sahig umaawit
Makasayaw lang si inay ay para nang langit

Ngunit andaya, hindi ko alam kung bakit
Parang sa mukha ni inay siya'y pumipiit
Sa balikat ko kamay niya'y hindi na kumapit
Bumagsak siya at mata'y habang buhay nang nakapikit

Sa mga panahong iyon walang mapadsidlan ang hinanakit
Bagkos nagpakatatag ako imahe niya'y sa isip idinidikit
Pagmamahal mo ay sa aking buhay naka-ukit
Huling sayaw mo, sa mundo'y walang kapalit

Ito po pala ang kauna unahang entry na nagawa ko didto sa steemit sa worldchallenge ni jassennessaj@jassennessaj .Nawa'y magustuhan niyo po

Worldchallenge: Huling Sayaw | Ecency