Beerus, Beerus Go Away

Words
271
Reading
2 min
Listen
Play
6y

alt
Pinagkunan ng Larawan (in-edit gamit ang Canva)

Ayy GCQ na, alam mo ba ang ibig sabihin nito?
Basta nagcomply ka, at inayos mo, sinubmit mo
Ayy, pwede na pala ikaw lumabas
Pero teka, ang beerus ba, meron nang lunas?

Malamang sa malamang, baka wala pa talaga
Baka rin naman meron na, tumityempo lang ang mga kurbata
Naghihintay siguro ng mga malupit na birada
O sadyang takot lang din, baka plano'y mapurnada

Pero kapatid, eto ang masasabi ko
Di lang si covid ang kalaban dito
May mas malala pang beerus ang kumakalat
Yan ay ang mga negatibong talak nang talak

Oo, kailangang lumayo sa mga nagpositibo
Pero paano naman sa mga taong napakanegatibo?
Yung sa pagpuna, nuknukan nang agresibo
Gamit ang bunganga na di sinasabayan ng sentido

Ang covid, inaaral ng mga siyentipiko
Ginagawan ng paraan para mapuksa ito
Pero ang estupido, meron kayang paraan?
Stupid is forever, sabi pa man ni Miriam

Hindi naman kailangang maging maka-gobyerno
Walang patutunguhan kung meron kang iisang iniidolo
Mas makakatulong kung gagamitin mo ang isip mo
Gumawa ng paraan, huwag nang maghintay ng consuelo

Real talk lang tayo, kaibigan
Tutal naman, magaling ka rin sa hanapan
Kung hinahanap mo kung nasaan ang tulong
Ano nga ba ang ginawa mo para sa pagsulong?

GCQ na, alam mo na ang dapat gawin
Mag ingat, magmasid, dumistansya kapatid
Iwasan ang positibo, pero bawasan ang pagiging negatibo
Ugaliing gamitin iyang nasa gitna ng mga tenga mo.

-:¦:--:¦:--:¦:--:¦:--:¦:--:¦:-

Ang tulang ito ay isinulat bilang pagsuporta sa contest ng hiveph@hiveph. Maraming salamat kay jemzem@jemzem at themanualbot@themanualbot sa pagja-judge sa contest na ito.

alt

Thanks to Mommy bearone@bearone for this Hive PH badge.

alt

Beerus, Beerus Go Away | Ecency