"Maskara"
@rigor
Sa okasyong JS prom na napakamagara
Hindi lantad ang tunay mong ganda
Sapagkat ikaw ay nakatago sa likod ng maskara
Alindog mo'y hindi ko maanino
Pero isa lang ang tiyak sa damdamin ko
Puso ko'y iyong napaamo
Sa musika, puso ko'y nagkaroon ng kisig
Maisayaw at mailahad sa'yo ang aking pag-ibig
At maipakita na ika'y aking iniibig
Maskara mo ay, agad mong nilisan
At ang iyong ganda sa lahat umalingasaw
Na wari'y araw na sadyang nakakasilaw
Kumakabog sa bawat tugtog ng musika
Mga paa nati'y waring pinag-iisa
Sa pag-ibig na ating nadarama
Hudyat ng pagtatapos ng aking pagpapantasya
Bumalikwas at napabangon mula sa kama
Pinatay ang alarm clock at napagtanto ko, iyo'y panaginip lang pala
Sana'y inyong nagustuhan at kayo'y naaliw sa aking gawa. Ito po ang entry ko sa word poetry challenge ni @jassenessaj.
Maraming Salamat sa pagbabasa!