“LOVE STORY”
May pag-asa pa ba na maging masaya ang Tayo,
Sa istorya ng pag-ibig na Ako nalang ang nakatayo.
Tumayo't lumaban mapanatili lang ang tagumpay sa dulo,
Habang ikaw naman ay mas piniling humito at sumuko.
Oo, Ako ay tanga. Nagpakatanga binalewala lahat ng sakit.
Oo, Ako ang naiwan. Naiwang lumalaban mag-isa ng pilit.
Sa daming nagmalasakit, nagsabing dapat hinayaan na kita,
Ngunit... wala - bingi - bulag - manhid -
At napakarami ring dahilan para ipaglaban pa rin Kita.
Hindi sinisisi sa hirap na dinaranas ko para Sayo,
Hndi rin nagagalit sa pagod na Ikaw ay ipagtanggol ko.
Wala ka mang ka-alam-alam sa mga pasakit na ito,
Dahil malamang may iba nang nagpapaikot ng mundo mo.
Sisisihin ay walang iba kundi ang sarili ko,
Lubos na nasobrahan sa pagsasakripisyo.
Kasalanang ang may gawa kundi Ako,
Labis-labis kasi ang pag mamahal Sa'yo,
Kahit ang mga mata mo'y
nakatingin sa kanya't nagpapakatuliro
Punong-puno parin ang puso ko nang pangalan mo
Kahit dapat nang matauhang
ako naman ang wala nang lulugaran pa dyan sa puso mo.
Magpapakatatag at magpapakasaya nalang ako
Sa pagtupad ng mga pangarap kahit wala ka sa piling ko.
Sa dulo, masasabi sa sarili na hndi ako nagkulang sa gawa,
Pinaglaban ang love story natin na mag-isa kong sinalba.