Quotes For Today

Words
202
Reading
1 min
Listen
Play
9y

Sa tuwing nababasa ko ito ako ay natutuwa at natatawa gayun din sa aking sarili. Dahil noong mga nakaraang limang taon ako ay nagsimula sa isang networking tinatawag din na online paluwagan. Matatawag ko na ako ay isang adik, adik sa latag dito latag doon. Minsan talo at minsan ay kumikita din talaga ako ng malaki. Hindi pa ako open minded noon sa ibang mga online earnings jobs kasi tinatamad ako mag research. Na aakit ako noon sa aking nakikita sa mga post ng aking kaibigan sa facebook kaya naman lahat ng instant na pwedeng pagkakitaan ay sinalihan ko. Pero bandang huli naisip ko hindi pala masaya. Bakit? sa una ka lang kikita ng malaki at yung mga nasa ibaba mo ay hindi na makakakuha ng kita dahil sa palugi na ang network na sinalihan ko wala talagang forever sa networking.

Ngunit, ang dami kong natutunan sa aking karanasan na iyon, natuto akong gumising ng maaga at magpuyat upang kumita ng pera at maghanap ng totoong amo sa online. Ang saya at sadyang nakakagalak lang talaga kapag galing talaga sa sikap mo ang perang ginagastos mo. Lalo na at nakikita mo na unti unti ka ng nakakapundar.


photo credit to chinktee tan

89.png

Quotes For Today | Ecency