Patapos na naman ang panahon ng tag-init o tinatawag nating "summer." Dahil nakahiligan na ng karamihan sa mga tao ngayon ang pagbababad sa "beach" o mga karaniwang pasyalang paliguan, madalas na punuan o siksikan ang mga "pools" at dagat. Kaya ang iba sa mga pamilya o magkakamag anak ay sinusulit ang panahon ng tag-init kung kailan malapit na itong matapos.
Marami pa rin ang nag eenjoy sa gawaing ito. Ang iba ay dumadayo pa sa ibang bansa upang doon magtampisaw sa tubig ng mga banyaga dahil marami nga namang naglalakihan at nag gagandahang beach sa ibang bansa. Ngunit para naman sa mga ilang tao na salat sa salapi, mas pinipili na lamang nila na puntahan ang mas malapit at mas murang mga pasyalan basta masaya at magkakasama sama ang bawat pamilya.
Naniniwala kasi ang karamihan na walang masama kung sagarin na ang araw habang bakasyon pa. Kaya nga ang iba ay madalas pa ring sabihin ang mga katagang, "huling hirit sa tag-init."