
Photo source.
Pinagmamasdan ko ang ngayong matamlay
na kamay ng aking Inay.
Maniyak-ngiyak na ngayon ang kanyang mga matang
dati na man ay mapupungay.
Sumpaang panghabang-buhay
Ngayon, nauwi sa paghihiwalay.Diborsyo, d pa man legal.Pero bakit parang pareho siyang malungkot
na paghihiwalay at sa iba'y sagot sa kanilang dasal?
Diborsyo, isang temang ang moralidad ay kontrobersyal
Pilit na pinaglalabanan ng gobyerno't simbahan.Kasal, alan ng lahat na ito'y banal.Ngunit paano nga ba iyong mga taong
sa pag-aasawa ay para ng sinakdal?
Pinagmamasdan ko ngayon ang aking ina.
Oo, hiwalay na sila ng aking ama.Ngunit, sa halip ng lahat ng nangyari, ako pa rin ay masaya.Naghiwalay man sila ay di bale na.Kesa naman sa araw at gabi nasasaktan ang mahal kong ina.
Dahil sa Diborsyo, May Dulo | EcencyAn In-depth Review of the Classic Gaiam Balance Ball Chairpositivehype ·
Dune Prophecy (2024): Sisterhood Above All - S01E03 - RECAPskiptvads ·