Paru-parong Pangarap

Words
82
Reading
1 min
Listen
Play
8y

fairy-3144799_960_720.png

Pinagkunan

Paruparong kay ganda.

Makulay ang paglipad sa t’wina
Maari bang ikaw sa akin ay manatili
Bigyang kulay ang aking mga ngiti?

Oh paru-parong mapaglaro

Bakit sa iba’t ibang bulaklak dumadapo?
Ang iyong kagandahan ay nakakasilaw
Kung ikaw ay akin, pag-ibig ay mag-uumapaw.

Maari bang sa akin na lang ang iyong pag-ibig?

At sa iba ang atensyon ay wag na ikabig.
Ikaw ay kayamanang sa maruruming kamay
Ay hindi dapat ialay.

Isa kang paru-paro

Ngunit ang puso sana ay di mapaglaro
Kung ikaw sa akin ay tumino
Buhay at kinabukasan mo ay hindi maglalaho

Paru-parong Pangarap | Ecency