
Photo source.
Ang init na iyong dala
ay sa akin ay nagpapasaya.Tila nga ako'y nagtataka,Oh Summer,
sayo ang pagiging bata
ay aking damang-dama.
Ang pagiging malaya
ay kaagapay at dagdag saya.Ikaw ba ang aking pangarap,na ngayon ay aking naaakap?
Sa iba'y tagtuyot ang iyong dala.
Bakit sa akin, ako'y sumisigla?Pawisan. Amoy araw.Ngunit nais pa rin iyong madalaw
Ang puso ko'y sumisigaw.
Na sana kung ako may naliligaw,Sana sayo ay makahanap ng tirahan.Sapagkat sayo lamang nakikita
ang kasiyahang di panandalian.