''Aking Inay''

Words
152
Reading
1 min
Listen
Play
9y

woman-1209322_1280.jpg


Pixabay

Habang nasa iyong sinapupunan
Ako'y nanahan at iyong inalagaan
At ng ako'y iyong isinilang
Alam kong lubos kang nahirapan

Pero ng ako'y inyong nakita
Lubos ang inyong ligaya't saya
Sa aking unang pagngiti
Nabura sa puso bawat pighati

At sa pagmulat ng aking mga mata
Liwanag ng tahanan ang unang nakita
Sa unang paggapang,paghakbang at paglakad
Inalalayan ako habang hawak ang mga palad

Sa aking unang pagsalita
Umagos ang hikbi sa inyong mga mata
At tumambad ang dampi sa'king mukha
Pero bakas ang kutob sa inyong mata

Habang sa dilim ako'y takot
Ikaw ang naging liwanag na saki'y bumalot
Sa'king pagtawa't pagiyak
Naging tagapayo kaya ako ay nagsumikap

Magsumikap abutin aking mga pangarap
Pangarap para sa'king hinaharap
Aking kakayanin kahit na mahirap
Matumbasan lang ang dugo't pawis na sayo'y pumatak

I would like to thank iwrite@iwrite for being my mentor and giving me support as a Proud member of Steemit Diversify

DQmNh2MG8GYNbb66Hkvnff4eVUtwou6L67T8yitdkpy5RF1.png

received_1767159486690768.jpeg