TADHANA
Nakaupo sa isang sulok
Pinapakinggan ang pusong mahinang tumitibok
Kasabay ng pagbalot ng kadiliman
Ay ang luhang nag uunahan
Nakayuko habang dinadamdam ang sakit
Mga katotohanan na pilit iwinawaglit
Katotohanang dumudurog sating pagkatao
Iniisip kung dapat na ba tayong sumuko
Yung kahit tayong dalawa na ang lumalaban
Pero bakit tadhana'y pilit pilit tayong panipigilan
Yung kahit anong pilit nating gawin
Tadhana'y ayaw talaga tayong pagtagpuin
Maling panahon nung kita'y nakilala
Nang ako'y dumating ika'y nakatali na
Sobrang hinayang ang ating nadarama
Kasi di alam kung sa huli'y tayo pa ba
Dagat ay milya-milya ang pagitan
Sinisikap manatili kahit boses mo lang ang napapakinggan
Yung imagination lang ang bawat mong halik
Imagination lang ang yakap mong mahigpit
Pero kahit ganun tayong nananatiling umaasa
Na balang araw tayo ay magkikita
Na sana sa araw na yun mapupuno lahat ng pangungulila
At sana sa araw na yun ika'y malaya