Word Poetry Challenge #10 : "Pagsubok"

Words
150
Reading
1 min
Listen
Play
8y

received_1455979281213216.jpeg

My illustration of teardrops@teardrops that i want to make an entry in Word Poetry Challenge hosted by jassennessaj@jassennessaj.

"PAGSUBOK"

Napaluha kana sa bigat.
Pinangarap mo lang namang umangat.
Ngunit hindi ka pinapadaan.
Sa mga pagsubok na walang kataposan.

Gusto mo nang sumuko.
Ayaw muna sa mundo.
Napapasigaw kana sa galit.
Bakit ang buhay ay kay pait.

Ilang beses bang bumagsak.
Para ang ginhawa ay maging tiyak.
Bakit kailangan pa tong maranasan.
Kung gusto ng magandang kinabukasan.

Pano ba kita lulubayan.
Kung kambal mo ang kaligayahan.
Huwag ka naman sanang sumobra.
Pagkat tingin ko'y 'di na kaya.

Sumobok akong kalabanin ka.
Nagdasal ako't nagmamakaawa.
Kahit ano na ang aking ginawa.
Pero bakit andito kapa.

Inubos muna lahat.
Wala na akong pangtapat.
Kahit pagsisikap ay 'di sapat.
Iniwasan na nga ang kalat.

Pero kailangan magpatuloy.
Huwag magpatalo sa daloy.
Marahas man ang sanlibutan.
Hayaan na't makakahanap din ng paraan.

Salamat sa pagbasa.

Word Poetry Challenge #10 : "Pagsubok" | Ecency