"Ang gatas ng ina ang pinakamabuti para sa bata hangang 2 taon at higit pa"
Yan ang madalas nating makikita sa mga formula milk na ating mabibili. Alam natin kung gaano kasustansya at kahalaga ang gatas ng ina.
Ang gatas ng ina ay mahalaga at pinakamahusay na uri ng gatas kaya鈥檛 nararapat lamang na ito ay ibigay sa ating mga anak mula pagkasilang hanggang anim(6) na buwan o higit pa. Marami ang taglay nito nutrisyon at sustansya na kailangan sa paghubog ng utak at iba鈥檛 ibang sistema ng katawan ng ating anak. Ang gatas ng ina ay panlaban din sa mga sakit at nagbibigay proteksyon sa mga bata para hindi magkaron Ng malulubhang sakit..
Hindi ko naibigay ng buong buo ang gatas ko sa aking anak. Mula pagsilang pa lang niya, hinaluan ko na sya ng formula milk upang hindi sya mahirapan kapag ako ay nagtatrabaho na. Kahit ganun sobra proud pa rin ako sa sarili ko na nabibigay ko sa aking anak an gatas na nararapat sa kanya. Apat na buwan na sya ngayon na malusog at masigla.
Kung hindi lang malayo ang lugar ng aking trabaho hindi ko hahayaan ihinto ang pagbibigay ng gatas sa aking anak. Hindi ko man mapagpapatuloy ang pagbibigay ng nutrisyon nararapat sa aking anak, mahal ko naman yan ng buong buo馃槏.
Kaya sa mga momshies naten jan, be proud and give the best milk to your child馃榿.. Para sa mga momshies na hindi kaya, alam ko me dahilan at alam ko rin kung gaano nyo kamahal an inyo mga anak.
Look how healthy my princess鉂わ笍