Poetography Contest: *Liwanag sa Ulap*

Words
98
Reading
1 min
9y
Listen to this post
~1 min

Sa Likod ng Nakataling pisi ay mga
Pangarap na hindi maikukubli
Marami mang Hadlang at balakid
Ngunit Pangarap ay di makukubli

Liwanag sa Ulap nag sasabi
Gaano man ako kalayo o kalapit
Isang buklat lang ng iyong Mata
Akoy matatanaw mo parin.

Hindi mapapagod, Hindi Susuko
Sapagkat ang mga pangarap
na nag tatago sa liwanag ng ulap
Ay makakamit at maabot ng iyong puso

Manalig ka Kumapit ka
Wag ma ngamba pa.
Dahil ang Liwanag sa Ulap
Ay gabay mo hanggang sa
Ito ay lubusang makamit mo na.

26694928_1184994338297535_709891287_o.png

Sariling Likha na Tula para sa Poetography Paligsahan ni @iyanpol12

Poetography Contest: *Liwanag sa Ulap* | Ecency