Hindi lingid sa ating kaalaman na maraming naglipana na karahasan,kaya dapat tayong magmasid sa ating lipunan, dahil ang suliranin na ito ang siyang pangunahin ngayon sa ating lipunan, karamihan sa mga biktima ng karahasan ay kababaihan at mga bata,kaya sa mga magulang dapat laging mapagmasid tayo at babantayan natin ang ating mga anak lalo na ngayon,dahil kahit na itoy mga musmos pa lang ay naging biktima na ng ibat ibang karahasan,kaya tayong mga magulang ay dapat na gabayan ang ating mga kabataan lalo na sa panahon ngayon,dahil ang una ring nambibiktima ay mga kabataan rin dahil sila napabayaan ng kanilang mga magulang,kaya dapat natin silang aalagaan at pahahalagahan,dahil sa murang idad ay nawalay na sa mga magulang o pinabayaan ng mga magulang kaya napasama sa mga masasamang impluwensya o sa mga barkada na walang maidudulot kundi kasamaan,kaya habang maaga gagawin nating lahat para sa mga magulang na gabayan ng hosto ang ating mga anak,upang sila Hindi mapasama sa mga taong masasama,aarugain natin silang mabuti.
Bibigyan ng pagpapahalaga at iparamdam sa kanila kung gaanu natin sila kamahal,papaaralin natin sila ng husto upang mapalayo sa lahat ng tukso dito sa mundo,at tuturuan natin sila na may takot sa panginuong diyos upang makasisiguro tayo na Hindi sila gagawa ng ikapapahamak nila,kaya bilang mga magulang paghandaan natin ang mabuting kinabukasan ng ating mga anak upang sila Hindi mabilang sa mga makasalanan na naglipana dito sa mundo,lagi natin silang susubaybayan para makasisiguro tayo na ang tinahak nilang landas ay tungo sa matinong pamumuhay,at masiguro natin ang kanilang magandang kinabukasan,kaya lagi nating iisipin na walang karahasan dito sa ating lipunan kung ang mga magulang ay Hindi magpapabaya sa kanilang mga kabataan.