CELEBRATING NATIONAL WOMEN'S MONTH

khaker(46)
Published in
#poetry
Words
112
Reading
1 min
Listen
Play
9y


Image

Source
(direct link to img)

Ito ay aking handog sa pag gunita ng Buwan ng Kababaihan.

Kababaihan ay Dapat Pahalagahan


Hindi biro ang maging isang babae,

Sana yan ang isipin nating mga lalake.

Sana'y magkaroon tayo ng respeto.

Dahil kung meron tayo nito maiibsan ang gulo.

Itigil na sana natin ang pag iisip na ang lalaki ang siyang nakakataas,

Dahil sa panahon ngayon tayong lahat ay patas.

Ang mga kababaihan ay dapat pinapahalagahan,

Isipin natin na bawat isa sa kanila ay isang kayamanan,

Dahil kung wala sila ay walang ilaw ng tahanan.

Pahalagahan sana natin ang kanilang karapatan,

Dahil ang nagagawa nating mga kalalakihan,

Ay kaya ring gawin ng mga kababaihan.

CELEBRATING NATIONAL WOMEN'S MONTH | Ecency