MASAMANG KARANASAN
Bakit? Bakit? Bakit?
Tanong na nakaukit
Puso ko'y napakasakit
Sa sitwasyong iyong sinapit
Wala akong magawa
Kundi ang tumunganga
Luhang di mapigilan
Sa sakit na nararamdaman
Puso ay naninikip
Umaasa na ito'y panaginip
Sana sa aking pag gising
Magandang balita ang darating
Pangyayaring kaybilis
Pagkataranta ay hindi maalis
Sa mahirap na paraan
Iyong naranasan
Mga tanong sa aking isip
Tinutulogan ba ay masikip?
Di ba nakakatakot?
Meron pa bang isusuot?
Ano ang iyong kinakain?
Makakauwi ka na ba sa atin?
Sa iyong mga sagot
Alam kong ikaw ay malungkot
Pagdasal ang laging habilin
Huwag kalimutang gawin
Walang ibang makakatulong
Kundi and ating Panginoon