This post is from a low-reputation account and contains an unverified outbound link. Be cautious before clicking external links.

Simula sa Simula

Words
86
Reading
1 min
Listen
Play
8y

image

image from https://www.pinterest.com.au/pin/469007748673795859/

Panibagong araw, panibagong buhay ang hinahanap
Nagmamasid-masid habang ang tino ay hindi pa mahagilap
Ano pa at hindi makabangon ang katawang nahimlay sa pagkaka-idlip
Nasasayang ang oras sa patuloy na pag-silip

Pagmulat, sumaksi sa isipang mahiwaga
Pag-sikat ng araw sa dako nyang simula
Liwayway nyang humaplos na dumaloy sa aking mga kamay
Na siyang nagwaksi sa aking pagkalumbay

Bawat araw ay isang simula ng pagbabago
Kailangang humakbang nang masimulan ang pagtuto
Pagtutong linangin ang bawat karanasan
Maghuhubog na siyang guguhit ng kapalaran

Magandang Umaga...

Simula sa Simula | Ecency