#Y?: Ang mga tanong sa isipan.

Words
352
Reading
2 min
Listen
Play
8y

Magandang araw sa inyo mga kapwa Steemians!

Ang ibabahagi ko naman po sa inyo ngayon ay ang mga tanong na minsan nang pumasok sa aking isipan.

Sana ay magustuhan nyo po itong aking ginawa hehe.

IMG_20180413_224821.jpg
Sorry po, newbie lang hehe.
#Y? po kasi inenglish ko lang po hehe

BAKIT?

Bakit nung una kitang makita, di mo naman nakuha ang atensyon ko?
Bakit wala akong naramdaman na kakaiba kapag ako'y iyong kinakausap?
Bakit wala akong nararamdaman kapag nakikipagtitigan ka sa akin?
Bakit? Bakit? Bakit?

Bakit para bang ang mga kilos mo pagdating sa akin, ay matagal na tayong magkakilala?
Bakit pagkatapos lang ng ilang araw, pinaramdam mo sa akin na ako ang gusto mong laging kasama?
Bakit sa tuwing tayo'y magkasama, hinahawakan mo ang aking kamay?
Bakit pinaramdam mo sa akin na para bang ako'y mahalaga sayo?

Bakit pagkatapos noon, kapag kasama na kita natutuwa na ako?
Bakit kapag tinititigan mo na ako, kinakabahan na ako?
Bakit kapag kinakausap kita, nabubulol na ako?
Bakit kapag hinahawakan mo ang aking kamay, kinikilig na ako?

Bakit gusto ko na lagi kang makita?
Bakit gusto ko na lagi kang kausap?
Bakit gusto ko na lagi kang kalapit?
Bakit gusto ko na lagi kang kasama?

Bakit ako nalulungkot kapag di kita nakakausap?
Bakit ako nalulungkot kapag di mo ako pinapansin?
Bakit ako nalulungkot kapag di mo ako tinitingnan?
Bakit ako nalulungkot kapag di kita nakikita?

Bakit di ko na nakikita ang ngiti sa iyong labi kapag tayo'y magkasama?
Bakit ang tahimik na ng paligid, pag tayo'y magkasama?
Bakit di na gaya ng dati ang samahan natin?
Bakit sa ilang sandali lang, nagbago ka na agad?

Bakit ang bilis lang sayo na makalimot?
Bakit ikaw ang unang nagbigay motibo, ngunit ikaw rin tong unang nagbago?
Bakit kung kailang nahulog na ako, di mo ako sinalo?
Bakit ang dali-dali lang sayo ng lahat?

Gayunpaman, gusto kitang pasalamatan.
Salamat sa mga araw na nakasama kita.
Salamat sa mga masasayang ala-ala.
Salamat sa pagpaparamdam mo sa akin na kahit papaano ako ay naging mahalaga sayo.

At dyan po natatapos ang aking gawa, sana po nagustuhan nyo po ito, salamat po! :)

#Y?: Ang mga tanong sa isipan. | Ecency