—PUNONG MANGGA

Words
122
Reading
1 min
5y
Listen to this post
~1 min

20220128_024305_0000.png

Ilang araw, buwan at taon

na ang lumipas

simula nang tayo'y huling nagkita,

ala-ala noo'y di kumupas

gaya nalang ng pagtitig

sayong mga mata

noong tayong dalawa’y malaya pa.

_

Kung paano ka ngumiti,

kung paano mo sabihin

sakin mga sakit at pighati.

At kung paano mo tignan

ang aking mga mata,

hanggang sa...

kung paano mo baybayin

ang salitang mahal kita.

_

Subalit ngayon,

sa ilalalim ng matagal na panahon

diyan sa lungsod,

at dito sa nayon,

sa magkaibang direksiyon

tayo'y paroroon.

_

Mga inukit mong salita

sa matayog na punong mangga,

mga iniwan mong ala-ala

babalikan ko nang mag isa.

_

At pagdating ng takdang panahon

at kung pahihintulutan ng

pagkakataon

muli tayong magkita

sa dati,

sa dating punong mangga.

—PUNONG MANGGA | Ecency