Tulang Kayamanan
Orihinal na tula ni @jmaeunabs1
Isang pahina na puno ng salita, ay pwedeng magtago nga isang magandang tula
Kapag ito ay nalantad, and kayamanan ay hindi matumbasan
Maaaring itong maglahad ng karunungan o ng kagandahan ng pagmamahal
Maaari rin itong espiritual, kasama ng Diyos na nasa itaas
May iilan na nagbabaon ng kayamanan, na may mga salitang masyadong malalim
Tinagatago ang kanilang mga kahulugan, sa ilalim ng malabong akda
May iilang nagbibigay ng mga pahiwatig, upang magbigay-linaw sa landas na susundan
Na may mga tamang palatandaan, na medaling lunukin
*Habang ikaw ay nakikipagsapalaran para sa paglikha ng isang magandang tula
Nawa’y magbigay ito sa iyo ng kagalakan at kasiyahan
Nawa’y pukawin nito ang iyong damdamin
Na may mga tugma na isinulat upang maintindihan *