"Suko"
Orihinal na tula ni @jmaeunabs1
Kung ang mga bagay-bagay ay hindi umayon gaya ng dati
Kung ang daang tinatahak ay napakatirik
Kung ang ipon mo ay maliit habang ang utang ay napakalaki
At gusto mong ngumiti ngunit napapabuntong-hininga ka nalang
Magpahinga ka muna, ngunit huwag na huwag kang susuko
Ang buhay ay parang laro na may napakaraming balakid
Ngunit lahat tayo ay marami ring natututunan sa mga ito
Kaya’t huwag na huwag kang susuko kahit gano man ito kabagal maabot
Walang nakakaalam, matagumpay ka na sa susunod na yugto
Ang tagumpay ay bunga ng iyong mga pagsisikap
Kahit na puno ka ng pangamba kung magagawa mo ba ito
At hinding-hindi mo masasabi kung malapit mo na ba itong maabot
Ngunit eto ang dapat tandaan mo
Kung nahihirapan ka, magpahinga ka muna, ngunit huwag na huwag kang susuko