Pagkabuhay
Orihinal na tula ni @jmaeunabs1
Panahon ng pagnilay-nilay ang natapos na naman
Sa nakakarami, isa itong bagong panimula bilang mga Kristiyano
Sa iilan, pagtatapos ito ng mahabang bakasyon
Sa iba, panahon ito ng April Fools
Ngunit ano nga ba ang ibig sabihin ng Kaniyang pagkabuhay?
Hudyat na ba ito ng pagbabago sa mga sarili natin?
O isa lang karaniwang okasyon na itinatawid taon-taon?
Palagi namang ganito diba?
Wala namang pagbabago, balik sa dating gawi
Nawa’y huwag nating sayangin ang pagsakripisyo ni Hesus sa krus
Minsan lang sa isang taon itong ginugunita
Ngunit araw-araw ay ipinaaalala Niya ang pagmamahal Niya sa atin
Kaya’t pahalagahan ito at huwag natin itong sayangin