Kung Pwede Lang Sana

Words
96
Reading
1 min
Listen
Play
8y

Kung Pwede Lang Sana

Orihinal na tula ni jmaeunabs1@jmaeunabs1


source

Kung pwede lang sana, kukunin ko ang lahat nito
Ang iyong nararamdaman, and iyong kalungkutan
Gagawin kong araw ang iyong gabi,
At ako ang iyong magiging bayani

Kung pwede lang sana, dadalhin ko lahat ng iyong mga pasanin
Ang iyong pakikibaka, ang iyong takot
Hahawiin ang kabundukan,
Hanggang ang langit ay magiging malinaw

Kung pwede lang sana, ako ang makikibaka sa iyong mga laban
Ang iyong kahapon, ang iyong hinaharap
Babalutin ko ito at hihipan na parang bula
Nang sa gayon ay gumaan ang buhay mo

Kung Pwede Lang Sana | Ecency