"Babangon Ako"
Orihinal na tula ni @jmaeunabs1
Maaari mo akong tamaan sa iyong mga salita
Sa iyong mapait, at baluktot na mga kasinungalingan
Itapon mo man ako sa lawa ng karumihan
Ngunit katulad ng alikabok, ako’y babangon
Diba gusto mo akong makitang mapilay?
Nakayuko ang ulo at umiiyak ang mga mata?
Patayin mo man ako sa iyong pagkamuhi
Ngunit katulad ng hangin, ako’y babangon
Babangon ako
Dahil sa nakaraan na nakakapit sa sakit at hinagpis
Babangon ako
Habang iniiwan ang lahat ng takot at sakit
Babangon ako, dahil kaya ko