Ang Kahulugan ng Buhay

Words
118
Reading
1 min
Listen
Play
8y

Ang Kahulugan ng Buhay

Orihinal na tula ni jmaeunabs1@jmaeunabs1


source

Ang kahulugan ng buhay ay walang konkretong depinisyon
Ito ay hindi pareho,
kung paano ito naiiba,
ay siyang katangi-tangi,
para sa bawat nabubuhay na kaluluwa

Ang kahulugan ko sa buhay ay parang puno na napupuno ng dahon,
ang ibang dahon ay nalalagas at ang iba naman ay nananatili,
tulad ng mga bituin na nakikipagsalaparan sa kalawakan,
na naghihintay na matuklasan,
gaya ng isang apoy na maaaring sanhi ng digmaan o kapayapaan

Gaya ng pera,
na ginamit at nasayang,
inabuso at kinasuklaman,
minahal at ginusto

Ngunit ano nga ba ang kahulugan nito?
Ano nga ba ang kahulugan ng iyong buhay?
Hindi ko alam, dahil ikaw lang ang makapagsasabi nito

Ang Kahulugan ng Buhay | Ecency