Ang Aking Paglalakbay
Orihinal na tula ni @jmaeunabs1
Maglalakbay ako nang may pag-asa,
Na may bagong bagay ang sisibol sa aking kapalaran,
Sa Asya man, sa Amerika, o sa Europa,
Mga kawili-wiling bagay ang aking madadatnan;
Maglalakbay ako sa iba’t-ibang lugar,
Kung saan halo-halo ang mga kultura,
Kikilalanin ang mga makakasalamuhang dayuhan,
Sabay sa pagiging dalubhasa sa kanilang nitibong wika.
Maglalakbay ako nang may kagalakan,
Ngunit hinding-hindi ko kakalimutan ang aking kinagisanan,
Dahil kahit saan man ako mapadpad,
May isang lugar pa rin na palagi kong babalikan.