Anak, nang ikaw ay pinagbubuntis ko
Hindi ko alam kung san ako tutungo
Pano haharapin ang buhay kasama ka
Sa mundong puno ng pangaalipusta
Anak, ni hindi ko alam anong gagawin
Para ako lang ay kanilang patawarin
Sa lahat ng maling desisyon na nagawa
At sa huli anak ko ang kawawa
Anak, ako ay tumayo para sa iyo
Ako ang dahilan kung bat ka nabuo
Kaya ginawa kong lahat ng kaya ko
Maisalba lang ang buhay mo
Anak, naisipan ka ng yong amang ipakuha
Di ako pumayag at sa kanya pinamukha
Ikaw ay biyaya samin ng maykapal
Kahit di hiniling o pinagdasal
Anak, ng ikaw ay dumating sa aking mundo
Di ko maipaliwanag ang sayang nadarama ko
Pagkatapos ng siyam na buwan ng pagdadalang tao
Ikaw na ay mahahalikan at mahahagkan ko
Anak, pinilit kong buo-in ang pamilyang para sayo
Pero di ko na masikmura ang tatay mo
Kaya ako’y nagpilit na makalabas
Sa buhay na daig ko pa ang naka rehas
Anak, ngayo’y tayo nalang dalawa
Gagawin ko ang lahat para tayo ay guminhawa
Di ko man maibigay sayo ang lahat
Pero iaalay sayo ang buhay na buong tapat
Anak, sana saiyong paglaki
Makita mo lahat ng tiniis kong hapdi
Para ikaw ay itaguyod ng mag-isa
Ginawa ang lahat kahit di kaya
Anak, ikaw ay mahal na mahal ko
Kahit buhay ibubuwis ko sayo
Makamtan mulang buhay na masagana
Yan lang ang hiling iyong ina