Tara! at magtagalog muna

Words
635
Reading
3 min
Listen
Play
4y

Magandang araw sa lahat. Ito po ang kauna-unahang sulat ko sa tagalog. Ito ay ang pagtugon o pagsali sa paligsahan sa communidad ng hiveph@hiveph.

nick-page-65YenYWGjwk-unsplash.jpg

Larawan mula kay Nick page sa Unsplash.

Sa buwan ng Agosto, ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang Buwan ng Wika at ang hiveph na communidad ay nagbigay ng isang mahiwagang tanong, What Value Can Filipinos Bring on Hive?

Anong halaga ang maidudulot ng mga Pilipino sa Hive?

Madaming halaga na maidudulot ang mga Pilipino sa Hive ngunit ako ay magbibigay ng ilan lamang sa mga ito.

Ang una na gusto kong ibigay ang Respeto. Ang mga Pilipino ay nakikilala din bilang tao na marunong rumespeto sa kapwa. Ang mga bata ay tinuturuan na mga magmano sa mga magulang o kahit sino na mas nakakatanda. Bukod sa pagmano, ang pagsabi ng "po" at "opo" ay isa ding kaugalian na nagpapamalas ng respeto. Ganoon din ang pagtawag ng kuya at ate ay isa ding senyales ng pagrerespeto.

Bilang manunulat sa Hive kinakailangan din ang respeto. Ang respeto ay kailangan hindi lamang sa pananalita, sa aksyon kundi pati na rin sa mga sinusulat.

Respeto ay kailangan upang maging matiwasay at maging kalugod lugod ang isang communidad. Kung walang respeto ang mga manunulat sa bawat isa, hindi maging masaya at palaging may hindi pagkakaunawaan.

Ang pangawala ay ang Pakikisama. Ang mga Pilipino ay nakikisama sa kapwa. Walang pinipiling kultura, kulay at lahi. Hindi lang nirerespeto ang lahat kundi pinapakisamahan din. Kailangan ang pakikisama sa ano mang bagay upang ang lahat ay maging matiwasay.

Kung walang pakikisama ang mga Pilipino na manunulat, siguradong hindi dadami at hindi tatagal ang mga ito sa loob ng Hive o sa anumang communidad.

Ang pangatlo na gusto kung ibahagi na halaga ng mga Pinoy ay ang pagiging Matatag. Saang dako man ng mundo, ang mga Pilipino ang kilala na matatag. Ang mga Pilipino ay sinusubok ng panahon, sinusubok ng pamilya, sinusubok ng mga kasama, sinusubok ng mga kaibigan, sinusubok ng kahit sino man pero ang mga Pilipino ay nananatiling matatag.

Ang mga Pilipino ay mapapagod, ang mga Pilipino ay magugutom pero ang mga Pilipino ay lumalaban sa anomang hamon sa buhay. Ang mga Pilipino ay nagpapahinga kapag napapagod, pero kailanman ay hindi susuko. Sa bawat pagdapa, iniipon ang lakas at bumabangon muli.

Laban mga Pilipino, kayang kaya natin to. Ano man ang ating pagdaraanan na mga pagsubok at hamon sa buhay alam kong kaya nating malampasan ang mga ito. Kapit lang, huwag na huwag kang bibitiw.

Ang pang-apat ay ang Kakayahang umangkop. Saan mang dako ng mundo, may Pilipino. Bakit nga ba? Ang mga Pilipino ay may kakayahang umangkop. Kaya ng mga Pilipino na makibagay sa kahit na anong uri ng kultura. Ang mga Pilipino ay madali lang makipaghalubilo.

Ang panglima ay ang Palakaibigan. Ang mga Pilipino ay kilala din bilang palakaibigan. Saan man dako ng mundo, ang Pilipino ay sadyang madali makakakita ng kaibigan.

Dito sa Hive, ang mga Pilipino ay palakaibigan hindi lamang sa kapwa Pilipino kundi pati na rin sa ibang lahi na may iba iba ring kultura.

Ang pagiging palakaibigan ay isang bagay na kailangan hindi lamang pang araw araw na buhay kundi pati na rin sa pagsusulat.

Marami pa mang halaga na maibibigay ang mga Pilipino pero ang aking naibigay ay maaring marami na upang makilala mo kung ano ang mga Pilipino bilang manunulat dito sa Hive.

Gusto kong batiin ang lahat ng mga Pilipino at gusto ko ring imbitahin sa pagsulat nito. Tara! at balikan ang sarili nating wika. Opo tayo ay Pilipino pero aminin natin na minsan lang natin nagagamit ang sarili nating wika. Kaya, huwag ng palampasin at tayo ay sasali na rin.

Mga kaibigan, dennnmarc@dennnmarc, eunoia101@eunoia101, jhero22@jhero22, lheeshan06@lheeshan06, usagidee@usagidee, mitch18@mitch18.. Tara at magtagalog kahit ngayon lang.

Maraming salamat sa inyong pagbasa. Nawa ay napasaya ko kayo kahit medyo baluktot ang tagalog ko.

Tara! at magtagalog muna | Ecency